Thursday, July 13, 2006


    nung isang linggo nang nag-uulan...

       Kasalukuyang umuulan sa labas habang sinusulat ko 'to. Di naman ganun kalakasan ang ulan pero sakto lang para magustuhan ko ang ganitong klaseng panahon. Maliban sa lamig at sakit, may dalang "nostalgia" ang bawat patak ng ulan para sa akin. Kung maraming summer moments, mas marami malamang ang hatid ng ulan. Nakakatawa dahil kelan lang ata ako nag-sulat tungkol sa init na sala ng summer season at ngayon eh sang linggo nang nag-uuulan.

    THINGS WHY I LIKE RAINY SEASON

    1. Sarap matulog. Extended ang sleeping time ko. Ito rin ang panahong nakakapag-siesta ako at nakakapag-painit sa kama. (Yakapin ang hotdog pillow at magtalalukbong, ungas!)
    2. Class suspensions. Di ko naman pinapanalangin na mag-signal No. 3 pero kahit konting ulan ay baha na sa lansangan. Mahal kami ni Dean, kaligtasan namin ang kanyang inisip kaya magde-declare sya na walang pasok! Woohoo!
    3. Masusuot ko na yung jackets ko! Yun iba naman pumoporma lang, may animal skin print at fur pa, parang may production number sa ASAP o SOP. Tingnan ko lang kung hindi umurong yung tela nila pag sumukob sila sa ulan!
    4. Pagkain. Mainit na arroz caldo, champorado at tuyo, ginataang mungo, Lucky Me Instant Noodles na may itlog, Nilagang babo, baka, mais at mani. Bottom line: mainit na sabaw!
    5. Instant carwash. Kung wala kayong kotse eh di instant dilig na lang sa inyong halamanan!
    6. Masarap kumanta. Ang repertoire ko: Tuwing Umuulan at Kapiling Ka ng Eraserheads, Ulan by Rivermaya, Tag-Ulan by After Image, Ulan (ulit!) ng Cueshe, at Pumapatak na Naman ang Ulan ng APO. Walang naninisi pag umulan kasabay ng pagkanta ko!
    7. Romantic. Kung merong summer fling, syempre meron din pag tag-ulan. Practice nyo na yung moves nyo sa crush nyo, "Meron pa bang space sa payong mo?". Worth it, yan.
    8. Salagubang. Hahah! Panahon nila ngayon at may bago naman akong pet. Itatali ko yung binti nila tapos isasabit sa kisame, itsura ng Superman action figure na paikot-ikot na lumilipad sa ceiling ng Toy Kingdom!


       I

       Isa sa added attraction ng pelikulang POTC: Dead Man's Chest ang trailer ng Spiderman 3 na ipalalabas next year.

       Sa tatlong DC superheroes; Batman, Superman at Spiderman, yung pinakahuli ang least favorite ko pero sobra talaga akong na-excite nung mapanood ko an 3rd installment ng Spiderman series. Nagbabadya ang pagbabalik ni Green Goblin, ang paghahasik ni Sandman at ang grand apperance ni Venom! Ito na ata ang pinaka-"dark" at mature na ang tema na sinahugan pa ng love-square ( dati trianggulo lang!) kaya kaabang-abang ang pinakabagong pakikipagsapalaran ni Peter Parker!



    para akong na-PARALYZED dahil ansap matulog ngayon..zzZZZZ
    Are You Nervous?
    By Rock Kills Kid





    hitori
    August 4, 2006   10:06 PM PDT
     
    astig ng spiderman 3!!!!!!!
    aris
    August 4, 2006   10:06 PM PDT
     
    hmm..just passing by. Baliktad tayo. I hate rainy days. Waahh...sang linggo ng umuulan dito sa Baguio. Ang lamig nga eh. Ang kapal pa ng fogs.
    gEgE
    July 26, 2006   08:55 PM PDT
     
    hi ghe!

    well sa tuwing dadaan aq dito ur entries nver fail to make me laugh..at mei wow pa na ksma un..hehe..:)
    ghe
    July 22, 2006   11:21 AM PDT
     
    hey starfish, ni-search ko yung sinasabi mong pinagkopyahan ko pero wala naman akong nakita.

    please email it to me kung meron man id be glad to delete this entry.
    starfish
    July 18, 2006   07:47 PM PDT
     
    this rainy season entry looks very familiar. think i read it somewhere.... hmmm.. yeah, parang kay altkey! the ideas are copied! hey, be original!
    wrigley
    July 18, 2006   02:11 PM PDT
     
    ako rin naexcite sa spiderman. astig ang trailer. buti ka pa happy pag umuulan. ako d ko favorite ang ganitong panahon. maarte kc ako. ayokong lumulusong sa baha at napuputikan. arteeee!!!!
    zord
    July 16, 2006   07:59 PM PDT
     
    danda ng spiderman trailer no

    nagustuhan ko sya
    *redg*
    July 16, 2006   05:04 PM PDT
     
    parang sa jollibee ung scene dun sa pickup line sa payong. hahaha.

    yehes, go venom! ano naman ung love square sa spidrman 3? cant wait. :)

    Danlen
    July 15, 2006   09:43 PM PDT
     
    hahaha! panalong pick-up line ung sa payong!!! :)
    ghe
    July 15, 2006   02:39 PM PDT
     
    tantanan nyo na si kirsten dunst guys..wawa naman sya.

    yes vinks mas gusto ko ang mga villains kesa sa mga superheroes sa komiks.
    cml17
    July 15, 2006   02:22 PM PDT
     
    ay agree ako..mas madami pa namang pdeng maging mary jane pero bakit sya pa?!
    Name
    July 15, 2006   10:43 AM PDT
     
    hi ghe! sorry i havent gone to your blog these past few days because im overloaded with schoolwork, you know! anyway thanks for greeting me on my birthday! muah!
    glenny
    July 15, 2006   12:34 AM PDT
     
    marunong na kayang umarte si kirsten dunst? o nakakairita pa rin kaya shang panoorin? hmm....
    vinkz
    July 14, 2006   06:42 PM PDT
     
    noong march or april tayo nag-link exchange. at NAPAKATAGAL KO NANG DI DUMADAAN DITO! pasensya na.

    parenew ng membership ha! ahehe. dadaan na nga ako dito!!

    anyway sa spiderman 3. cant wait for VENOM! hahaha. natural kontrabida yuuun!!! ayoooooooos.

    mas gusto ko ang villains kaysa heroes, to tell you honestly. weird no> hahahha. yun lang. dumaan at napa-comment!! NICE BACKGROUND!

    kakaGUTOM!!
    cml17
    July 13, 2006   09:46 PM PDT
     
    salagubang! naaalala ko un.

    pati na rin salaginto.

ghe | Thursday, July 13, 2006 01:58 pm

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Blogdrive