HOBBIES AND INTEREST) pizza, burying expired pets, playing air guitar, shadow boxing, movie marathons, petting pitbulls, standing in front of the microwave while yelling hurry up!, zapping 60 TV channels per minute manually, playing dead!, throwing myself on the wall, watching dead channels when bored, tea prties, acting nervous, recording my dating history, making lewd comments, coloring the placemats, balancing towers of salt shakers, piggin' out hangin' out checkin' out makin' out!
Ngayon lang ulet sa akin nagkaroong ng "milenyo". Aba, 6 years ago pa ata nung maging overused word ang Y2K o ang salitang milenyo. Pero iba 'to tsong. Nung Lunes pa nagparamdam ang nagbabadyang bagyo per tinodo na nya ito nug Hwebes. Strongest to hit in 11 years. 40 million ang walang kuryente (kagabi lang bumalik yung amin). Huwaw!
Walang signal. Na-expire-an na ko't lahat ng Unlimitxt, ang hirap pa ring makahanap ng magandang signal ng Globe.
Walang kuryente. Nakatanga-mode ako. Walang TV, internet, radyo, video player na mapaglilibanagan. Balak pang humabol ng phone kong low-batt na.
Absent ang street food. Matumal daw kase ang bentakaya liban muna sa kanto ang mga tindero ng kwek-kwek, japanese cake, KFC (Kanto Fried Chicken) at calamares.
Baha.Hindi kami inaabot ng tubig sa labas pero sa loob ng bahay namin nag-uumpisa ang bukal.
Pangit ang reception. May kuryente na nga, wala namang matinong TV reception (Biglang buhos ang malakas na ulan..)Di ko rin naintindihan yung pinanonod ko.
Mahirap makapagpatuyo ng damit. Buti na lang may-dryer. (Eh ala namang kuryente)
Traffic. Konting ambon lang, biglang-dami na parang Gremlins ang volume ng mga sasakyan sa kalye. Isa sa mga phenomenong di ko pa rin maunawaan.
Maputik. Sayang ang japorms na para kang nakipag-patintero sa kural ng pitong baboy!
Pyesta ang mga Peste. Dahil nagbara na ang mga kanal, walang choice ang mga ipis at daga kundi lumabas ng lungga at dumaan sa gate namani. (O-ha, sa gate dumadaan ang mga walanghya!)
Amoy-amag. Pwede na kong mag-culture ng ibat' ibang species ng mushrooms at yeast na tumutubo sa gilid ng gate namin!
Ciara Sotto. Pasensya na pero di ko maiwasang maaalala yung karakter ni Rain sa TGIS dati. Hahah!
missy October 3, 2006 04:11 PM PDT ur ghe i can totally relate. ahuhu..saklap nung bagyo! but why naman rain of TGIS? hahah!
gerardo October 3, 2006 03:56 PM PDT wahahah..naubos yung charge ng phone ko..buti na lang di ganun kainit at malamok. Mag-hohotel na nga sana kame kaya lang nabalita na jampacked yung iba!
Hitori October 2, 2006 07:02 PM PDT Hahahaha!! Ang kulet mo!!
Nakakatuwa ka magsulat. Astig.
jonnazel October 1, 2006 12:45 AM PDT naku punyetang bagyo yan! ng dahil dyan nakabangga ako ng nissan sentra! na ang amo eh nagaalburoto! hinananapan pa ko ng lawyer ni gago! leche! badtrip! sana nilipad na rin siya kasama nung bubong ng kapitbahay namin! grrrrr!
rain September 30, 2006 08:56 PM PDT hahaha! yeah, si rain sa tgis...:-)
tabularasa September 30, 2006 08:06 PM PDT takte tong si milenyo. nakisabay sa lumalalang krisis ng pilipinas.
REX September 30, 2006 01:14 PM PDT hay naku! sinabi mo pa! kainis ang bagyong ito! di katulad ng iba, walang pasok, pero may kuryente pa rin.
kainis talaga! haha! naubos charge ng laptop at cellphone ko! =p